natawa ako nung isang gabi pagkatapos kong maligo, mag-toothbrush at kung anu-ano pang ritual ko bago matulog. hindi ko pinaandar ang aking laptop dahil baka di' nanaman ako makatulog at mag fefesbuk nalang magdamag. pinatay ko yung ilaw at pagkatapos ko singhutin ang vicks vaporub dahil medyo kumakati ang aking ilong. swabe. wala akong makita sapagkat super dilim na sa aking kwarto.
nahiga na rin ako, kinuha ang paborito kong unan, inamoy-amoy at niyakap.
may umilaw sa kanang banda ng aking kama. ayy txt msg. nag reply ako. at yes! inantok na rin.
dumilim ulet ang paligid ng nawala na ang backlight ng aking cellphone.
ang nakakatawa lang dun ay nang ipapatong ko sana ang aking telepono sa bedside table ay bigla nalang ito nalaglag ng bonggang-bongga. ay wala na pala ang aking bedside table. nakalimutan ko na kinuha na pala yun 3 days ago dahil masikip na daw sabi ng OC kong nanay. --- na pag isip-isip ko matapos ang ilang segundo na:
"Mahirap pala pag nasanay kanang andyan lang sya palagi"
-- maging bedside table pa o maging tao rin.
-- malaglag man at masira ang cellphone o maging ang puso rin.
No comments:
Post a Comment